natural
natural family planning (na·tyu·rál fá·mi·lí plán·ning)
png |[ Ing ]
:
kontrasepsiyon sa pamamagitan ng pagsubaybay sa lapot o labnaw ng hima ng babae at nang maiwasan ang panahon na maaaring mabuntis.
natural gas (na·tyu·rál gas)
png |Kem |[ Ing ]
:
halò ng mga gaseous hydrocarbon na makikíta sa rabaw ng mundo at mula sa matagal nang bulok na organismo.
na·tu·rá·li·sá·do
pnr |[ Esp naturalezado ]
1:
pinadalisay o dumaan sa pagdalisay
2:
Bat
naging mamamayan alinsunod sa batas ng naturalisasyon sa bansa.
na·tu·ra·li·sas·yón
png |[ Esp naturalisación ]
1:
anumang paraan upang maging natural : NATURALIZATION
2:
na·tu·ra·lís·mo
png |[ Esp ]
1:
matapat na pagsunod sa kalikasan : NATURALISM
2:
Lit Sin
matingkad na realismo, ipinangalan sa kilusan noong ika-9 siglo na salungat sa idealisasyon ng karanasan at nagnanais ng obhetibo at malimit na madilim na pagsusuri sa búhay : NATURALISM
na·tu·ra·lís·ta
png |[ Esp ]
1:
tao na naniniwala at nagtataguyod ng naturalismo : NATURALIST
2:
tao na nag-aaral ng agham pangkalikasan : NATURALIST
natural law (na·tyu·rál lo)
png |Bat |[ Ing ]
:
kalipunan ng batas o simulain na pinaniniwalaang mula sa kalikasan at umiiral sa lipunan hanggang wala pang batas.
natural number (na·tyu·rál nám·ber)
png |[ Ing ]
:
isang numero na lumilitaw sa pagbibilang at karaniwang numerong buo at di-negatibo : NÚMERONG NATURÁL
natural resource (na·tyu·rál re·sórs)
png |[ Ing ]
:
yamang mineral, kagubatan, pang-agrikultura, at pantubigan ng bansa.
natural science (na·tyu·rál sá·yans)
png |[ Ing ]
:
aghám pangkalikásan.
natural selection (na·tyu·rál se·lék·syon)
png |Bio |[ Ing ]
:
pamamaraan upang makapagbigay ng maraming anak o inapo ang isang pangkat o lahi sa populasyon kaysa iba sa susunod na henerasyon dulot ng kanilang kakayahang umangkop sa kalikasan.