nic
NIC (en ay si)
png daglat |[ Ing ]
:
newly industrialized country.
nicad (ní·kad)
png |Ele |[ Ing ]
:
bateryang may anode na nickel at may cathode na cadmium.
nicam (ní·kam)
png |[ Ing ]
:
sistemang digital ng telebisyong British na naghahatid ng senyas na video at may mataas na kalidad ng tunog.
niche (nits)
png |[ Fre ]
1:
uka sa pader ukol sa estatwa ; anumang kahawig nitó
2:
pook, trabaho, kalagayan, o tungkulin na angkop na angkop sa isang tao o bagay ; o ang isang kaligirang nagdudulot ng mga kailangan sa búhay ng isang organismo o espesye : NÍTSO2
3:
isang espesyalisadong pamilihan : NÍTSO2
nichrome (ní·krum)
png |Kem |[ Ing ]
:
alloy ng chromium at iron na ginagamit sa paggawâ ng alambre at pagpapainit ng mga elemento.
nickel (ní·kel)
png |Kem |[ Ing ]
1:
alinman sa mga substance na makináng, nahuhubog, nababanat, at nagagamit na daluyan ng init ng elektrisidad : NÍKEL1
2:
matigas at kulay pilak na metal na ginagamit sa paghahalò ng dalawa o higit pang metal (atomic number 21, symbol Ni ) : NÍKEL1
3:
sa Estados Unidos, tawag sa limang sentimong barya.
nicobar pigeon (ní·ko·bár pí·dyon)
png |Zoo |[ Ing ]
:
siyéte kolóres1
nicotinamide (ni·ko·ti·ná·mayd)
png |Kem |[ Ing ]
:
walang kulay, maliit na kristal, at nalulusaw sa tubig na solid, (C5H4NCONH2) amide ng nicotinic acid at sangkap ng bitamina B complex na matatagpuan sa karne, atay, isda, at itlog.
nicotinic acid (ní·ko·tí·nik á·sid)
png |Kem |[ Ing ]
:
acid (C5H4N COOH ) na sangkap ng bitamina B complex, makukuha sa karne at iba pa, at panlunas sa pelagra : NIACIN