noble


nó·ble

pnr |[ Esp ]
1:
may mataas na titulo o ranggo
2:
magiting at responsable.

noble gas (nó·bol gas)

png |Kem |[ Ing ]
:
alinman sa mga elementong gaseous na helium, neon, argon, xenon, at radon na pawang bumubuo sa Grupong 0 (18) ng periodic table : INERT GAS

no·blé·sa

png |[ Esp nobleza ]

noble savage (nó·bol sá·veyds)

png |Ant |[ Ing ]
:
sinaunang tao na itinuturing na huwaran dahil dalisay ang kalooban kaysa makabagong sangkatauhan.

noblesse oblige (no·blés o·blídz)

png |[ Fre ]
:
obligasyon ng mga nása mataas na angkan at posisyon upang kumilos nang marangal at responsable ; tuntunin na may kasámang responsabilidad ang bawat pribilehiyo.