ocean
oceanarium (ów·sya·nár·yum)
png |[ Ing ]
:
malakíng akwaryum para sa pag-iingat ng mga nilaláng dagat.
Oceania (ow·syán·ya)
png |Heg |[ Ing ]
:
mga pulo ng sentral at timog Pacific at mga karatig na dagat.
oceanic (ow·syá·nik)
pnr |[ Ing ]
1:
tumutukoy, katulad, o malapit sa karagatan
2:
napakalawak ; malaking-malaki.
Oceanid (ów·sya·níd)
png |Mit |[ Gri ]
:
sinuman sa mga babaeng anak ni Oceanus at Tethys ; diyosa ng karagatan.
Oceanus (o·syá·nus)
png |[ Ing Gri ]
1:
Mit
anak ni Uranus at Gaea, at amá ng mga diyosa sa karagatan o mga Oceanid at mga diyos ng ilog
2:
Heo
sa maliit na titik, malakíng tubigán na ligid ng lupa, at pinaniniwalaang pinagmulan ng mga ilog, lawa, at iba pa.