octa-.
octa- (ók·ta)
pnl |[ Ing ]
:
pambuo ng pangngalan o pang-uri na nangangahulugang walo var OCT-,
OCTO-
octad (ók·tad)
png |[ Ing ]
:
pangkat ng walo.
octagonal (ok·tá·go·nál)
pnr |[ Ing ]
1:
tumutukoy sa octagon : OKTAGONÁL
2:
may walong gilid o anggulo ; hugis octagon : OKTAGONÁL
octahedron (ok·ta·hí·dron)
png |[ Ing ]
:
solidong pigura na may walong mukha ng tatsulok.
octal (ók·tal)
pnr |[ Ing ]
:
may bílang o pamamaraang tigwawalo.
octamerous (ok·ta·me·rús)
pnr |[ Ing ]
1:
Bot
may walong bahagi
2:
Zoo
may mga organ na nakaayos nang waluhan.
octane (ók·teyn)
png |Kem |[ Ing ]
:
walang kulay at madalîng magsiklab na hydrocarbon ng mga serye ng alkane (C8H18).
octant (ók·tant)
png |[ Ing ]
1:
ikawalong bahagi ng isang bilóg
2:
Mat
anumang may walong bahagi na humahati sa puwang ng tatlong magkakrus na plane
3:
Ntk
kasangkapang may arkong 24° na ginagamit ng mga nabegador sa pagsukat ng mga anggulo hanggang 90°
4:
Asn
posisyon ng isang lawas pangkalawakan kapag may 45° layo mula sa isa pang lawas.
octavalent (ók·ta·véy·lent)
pnr |Kem |[ Ing ]
:
may walong valence.
octavo (ok·tá·vo)
png |[ Esp Ing ]
1:
súkat ng aklat na halos 15.23 sm x 22.84 sm na maaaring tiyakin sa pamamagitan ng pagtupi ng mga pahina upang bumuo ng walong dahon o labing-anim na pahina
2:
aklat o pahina na may ganitong súkat.