oh!
o·há·les
png |[ Esp ojales ]
:
bútas para sa butones var uháles
o·hé·ra
png |[ Esp ojera ]
:
kopa na ginagamit sa paglalagay ng likidong gamot sa matá var uhéra
o·hé·tes
png |[ Esp ojete+s ]
1:
maliliit na bútas, lalo na sa tela o damit na sinasadya para maging eyelet var uhétes — pnd mag·o·hé·tes,
o·he·té·san
2:
tíla singsing na suótan ng sintas o talì.
ohm (om)
png |Ele |[ Ing ]
ohmmeter (óm·mi·tér)
png |Ele |[ Ing ]
:
kasangkapan sa pagsúkat ng elektrikal na resistance5 sa pamamagitan ng yunit ohm.