organiko


or·gá·ni·kó

pnr |[ Esp orgánico ]
1:
Bio hinggil sa organ o mga organ ng katawan : ORGANIC
2:
may katangian o tumutukoy sa mga bagay mula sa isang organismo : ORGANIC
3:
naaapektuhan ang isang buháy na tisyu : ORGANIC
4:
Bot Zoo sa mga hayop o haláman, may mga organ o organisadong estruktura : ORGANIC
5:
Agr hinggil sa mga bunga na hindi ginagamitan ng mga kemikal, tulad ng pesticide : ORGANIC
6:
Kem naglalamán ng carbon : ORGANIC
7:
may sistematiko o may estruktura : ORGANIC
8:
inilalarawan o nagpapakíta ng patuloy o likás na pag-unlad : ORGANIC
9:
Pil may pagsasaayos na tulad sa kasalimuotan ng mga buháy na nilaláng : ORGANIC
11:
Ark tumutukoy sa anumang estruktura o plano na tulad sa pigura o anyo ng mga hayop o haláman at tumutugon sa mga funsiyonal na pangangailangan ng isang gusali.