padre
pá·dre
png |[ Esp ]
1:
2:
pinaikling anyo ng kompádre
3:
sa malakíng titik at may kasunod na pangalan, pantawag na paggálang sa parì.
Padre Camora (pá·dre ka·mó·ra)
png |Lit
:
tauhan sa El Filibusterismo, fraileng nagtangkang gumahasa kay Huli.
Pá·dre Dá·ma·só
png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere, fraileng Fransiskano at tunay na amá ni Maria Clara.
Pá·dre Fer·nán·dez
png |Lit
:
tauhan sa El Filibusterismo, fraileng Dominiko at liberal.
Pá·dre Flo·ren·tí·no
png |Lit
:
tauhan sa El Filibusterismo, tiyuhin ni Isagani.
Pá·dre Sál·vi
png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere, fraileng pumalit kay Padre Damaso bílang kura ng San Diego, at nagkaroon ng masidhing pagnanasà kay Maria Clara.
Padre Sibyla (pá·dre si·bí·la)
png |Lit
:
tauhan sa Noli Me Tangere, matalinong fraileng Dominiko.