pagharap


pág·ha·ra·pán

pnd |Bat |[ pag+ha+ra+pán ]
1:
ibigay sa tao o hukóm ang ulat o ebidensiya
2:
gamitin ang isang bagay, hal isang usapin para pagtalunan o pag-usapan.

pág·ha·ra·pín

pnd |Bat |[ pag+harap+in ]
1:
bigyan ng pagkakataon ang dalawang tao na magkaharap
2:
atasan ang isang tao na sumulat at magbigay ng ulat o kayâ’y magbigay ng ebidensiya.