pakong
pa·kông-a·lag·dán
png |Bot |[ pakô+na alagdan ]
:
uri ng pakô na mataba ang tangkay at balót na balót ng makintab at kulay kapeng kaliskis.
pa·kông-a·nu·wáng
png |Bot |[ pakô+ na anuwang ]
:
uri ng pakô na gumagapang ang maikli at matigas na ugat : DILÀDILÀ1
pa·kông-as·pi·lé
png |Bot |[ pakô+na-aspile ]
:
uri ng pakô na hugis aspile ang dahon.
pa·kông-bu·wá·ya
png |Bot |[ pakô+na-buwaya ]
:
uri ng pakô (Cyathea contaminans ) na itim ang punò, tíla tirintas ang mga ugat, matinik ang uhay ng dahon, at may tíla kaliskis kung murà.
pa·kông-gú·bat
png |Bot |[ pakô+ng-gubat ]
1:
dapong (Asplenium musifolium ) maikli, makaliskis, patulis ang dulo ng mga ugat, mataba at malapad ang dahon, at mabisàng pampaihi : PAKPÁKLÁWING BABÁE
2:
eletsong may mga kaliskis na kulay kape, manilaw-nilaw ang ilalim, at nagagamit na gamot sa sakít sa bato.
pa·kông-ka·la·báw
png |Bot |[ pakô+na-kalabaw ]
:
uri ng pakô (Angiopteris palmiformis ) na mataba, kulay kape, at napakaliit, hugis tatsulok ang uhay ng dahon, at karaniwang tumutubò sa tabi ng sapà, lawa, o gubat : GIANT FERN
pa·kông-lá·ot
png |Bot |[ pakô+na-láot ]
:
uri ng pakô (Acrostichum aureum ) na tuwid ang katawan, may makapal at malamáng mga risoma, karaniwang tumutubò sa mga pinák at maputik na pook : LEATHERY FERN,
LOGÓLO
pa·kông-pá·rang
png |Bot |[ pako+ng-parang ]
:
uri ng pakô na karaniwang matatagpuan sa parang at karaniwang iniinom ang pinaglagaan ng sariwang dahon.
pa·kông-ró·man
png |Bot |[ pakô+na-roman ]
:
uri ng pakô na makapal, makatas, makinis ang tangkay, at karaniwang matatagpuan sa parang.
pa·kông-tú·big
png |Bot |[ pakô+na-tubig ]
:
uri ng pakô (Ceratopteris thalictroides ) na tumutubò sa mapuputik na pook : WATER SPRITE
pa·kông-tu·lóg
png |Bot |[ pakô+na-tulog ]
:
uri ng pakô na umuurong ang dahon kapag tuyo, ngunit bumubuka at nagiging lungti muli kapag nabasâ.
pá·kong-u·lu·hán
png |[ pakò+na ulo+han ]
:
pakòng maliit at malapad ang dulo.