pamun
pa·mun·dís
png |[ ST ]
1:
pagputok ng sisidlang lubhang punô
2:
pagputok ng saging na hinog.
pa·mú·ngar
png |[ ST pang+bungad ]
:
ang táong nása harapan at palaging nahaharap sa mga gawain.
pa·mung·ká·hi
png |[ ST ]
:
pag-udyok na manguna o pumasok sa isang bagong gawain.
pa·mung·lô
png |[ ST ]
:
pangingitim ng laman sa palibot ng matá.
pa·mung-ú·lan
png |Zoo |[ ST ]
:
usa na muling tinutubuan ng sungay kapalit ng dati.
pa·mun·lâ
png |Agr |[ pang+punla ]
:
binhi na inilaan para patubuin sa punlaan.
pa·mu·nô
png |[ pang+punô ]
:
pandag-dag sa kulang.
pa·mú·no
png |[ ST ]
:
pagsisimula ng kahit anong bagay.
pa·mu·nú·an
png |Mus |[ ST ]
:
uri ng atabal o tambol na sarado ang isang bahagi.
pá·mu·nu·án
png |[ pang+punò+an ]
:
lupon o kapulungan ng mga pinunò : KONSÍLYO,
KONSISTÓRYO,
LIDERATO2