panik


pa·ník

pnd
:
varyant ng panhik.

pá·nik

png |[ Ing panic ]
1:
bigla at hindi mapigil na pagkatakot o pangamba, may sanhi man o wala, at nakalilikha ng pagkagulo o ng hindi makatwi-rang kilos, karaniwang kagyat ang pagkalat sa pangkat ng mga tao o hayop : PANIC
2:
isang halimbawa, silakbo, o panahon ng nasabing pag-katakot : PANIC

pa·ni·ká

png |Bot |[ ST ]
:
hindi pag-uugat mabuti ng palay dahil sa hindi maa-yos na pagkakatanim.

pa·ní·ka

png |[ ST ]
:
ginto na may pina-kamababàng uri.

pa·ni·ka·là

png |[ ST ]
1:
sa Maynila noon, singkahulugan ng akalà
2:
Lit varyant ng parikala.

pa·ni·ká·la

png |[ ST ]

pa·ni·kél

png |[ Pan ]

pa·ní·ki

png |Zoo
:
mammal (order Ceropthera ) na may elastikong balát sa unahang biyas na nagsisilbing pakpak at lumilipad kung gabi : BAT4, KÁBEG, KÁBUG-KUWAKNÍT, KAYAMÁW, KULALÁT-NIT var panikì Cf TALIBÁTAB

pa·nik·lu·hód

png |[ pang+tiklop+ tuhod ]
1:
samo o pagsamo
2:
pag-luhod bílang paghingi ng tawad o pagmamakaawa — pnd ma·ník·lu· hód, pa·ník·lu·hu·rán.

pa·nik·lu·hór

png |[ ST ]
:
pag-upô sa sakong ng táong nakaluhód.

pa·nik·sík

png |[ pang+siksik ]
1:
anumang ginamit para punuin nang mahigpit ang isang maliit na butas
2:
anumang matulis na bagay, gaya ng tútpik na ginagamit upang tanggalin ang isang bagay mula sa maliit na butas var pansiksík
3:
Med sakít sa ngipin.