pansit


pan·sít

png |[ Tsi ]
:
mása mula sa arina at itlog na pinatuyo, nirolyo nang ma-liit at manipis at ginawang tíla hibla Cf BÍHON, KANTÓN, ISPAGHÉTI, LÓMI, MAKARÓNI, MÍKI, MÍSWA, NOODLE, PÁSTA, RÁMEN, SÓBA, SÓTANGHÓN, ÚDON

pan·sí·tan

png |[ pansit+an ]

pan·sít bát·soy

png |[ Tsi ]
:
pansit na may karne ng baboy at atay bílang pangunahing sangkap.

pán·si·ter·yá

png |[ Tsi pansit+Esp eria ]
:
restoran na karaniwang naghahain o nagbibilí ng pansit : PANSÍTAN

pan·sít gi·sá·do

png |[ Tsi+Esp guisado ]
:
pansit na iginigisa sa toyo at sina-sangkapan ng iba pang pampalasa.

pan·sít kan·tón

png |[ Tsi ]
:
pansit na dilaw ang hibla, iginigisa sa toyo, at sinasangkapan ng iba pang pampa-lasa : CANTON, CANTON NOODLES, KANTÓN

pan·sít lang·láng

png |[ Tsi ]
:
pansit na may sabaw, may halong miki o sotanghon, manok, hipon, at itlog.

pan·sít lug·lóg

png |[ Tag Tsi ]
:
pansit na hinahaluan ng malapot na sarsa na sari-sari ang sangkap pampalasa, inilulubog lámang sa tubig ang sotanghon at hindi lúto sa mantika.

pan·sít ma·la·bón

png
:
pansit na mataba ang hibla at hinaluan ng palabok.

pan·sít má·mi

png |[ Tsi ]
:
pansit na karaniwang may sabaw at sinasa-hugan ng hinimay na karne ng báka, baboy, manok, at iba pang pampa-lasa.

pan·sít pa·lá·bok

png
:
pansit na walang sabaw, maaaring mataba o payat ang hibla, at hinaluan ng pala-bok.

pan·sít-pan·sí·tan

png |Bot |[ pansit+ pansit+an ]
:
yerba (Peperomia pellucida ) na may mga sangang makatas, lungti, at malamán, salítan ang dahon, at ginagamit bílang palamuti o gamot, katutubò sa tro-pikong America ngunit lumaganap sa Filipinas na parang damo sa mga bukirin.