past
pás·ta
png |[ Ita ]
:
putaheng mula sa Italya, binubuo ng minasang trigong durum at tubig, pinahabà o hinubog sa iba’t ibang hugis, at karaniwang iniluluto sa kumukulong tubig.
pas·tél
png |[ Esp ]
1:
ulam na pira-pirasong karne, lamanloob, iba pang pansahog at pampalasa, ibinabalot sa balát, at inihuhurno : PIE3
2:
Sin
kasangkapan sa pagpipinta
3:
sa paglilimbag, sabóg na tipo.
pas·te·ri·sá
pnd |i·pas·te·ri·sá, pas·te· ri·sa·hín |[ Esp pasterizar ]
:
idarang nang husto ang isang bagay para hindi mapanis o masira.
pas·te·ri·sá·do
pnr |[ Esp pasterizado ]
:
dumaan sa pasterisasyon.
pás·te·ri·sas·yón
png |[ Esp pasteriza-cion ]
:
pagdadarang, gaya ng gatas at keso, sa mataas na temperatura sa isang hatag na oras upang puksain ang mga mikroorganismo at nang maiwasan ang permentasyon o pagkapanis : PASTEURIZATION
Pas·ti·lán!
pdd |[ Hil Seb ]
:
bulalas ng buwisit, galit, at katulad bagaman gi-nagamit ng iba sa paraang walang kahulugan.
pas·tíl·yas
png |[ Esp pastillas ]
:
piraso ng minatamis na gawâ sa pinalapot na sariwang gatas ng kalabaw at hinaluan ng repinadong mantekilya, itlog, at iba pang sangkap.
pas·tíl·yas de-ma·nî
|[ Esp pastillas de+Tag mani ]
:
piraso ng minatamis na gawâ sa gatas na kondensada, gini-ling na mani, at arnibal.
pas·tíl·yas de-pí·li
|[ Esp pastillas de+Tag píli ]
:
piraso ng minatamis na gawâ sa gatas na kondensada, gini-ling na píli, at arnibal.
pas·tól
png |[ Esp pastor ]
2:
pagsusuga ng hayop sa damúhan — pnd i·pas·tól,
mag·pas· tól,
pas·tu·lán.
pás·to·rál
png |[ Esp ]
1:
Lit
tula, dula, o katulad, tumatalakay sa búhay sa kanayunan
2:
larawan o tanawin sa bukid
3:
sulat ng isang pastor o ministro sa kaniyang kongregasyon
4:
Mus
pastorale.
pastorale (pás·to·rál)
png |Mus |[ Ing ]
:
komposisyon, gaya ng opera, hinggil sa búhay sa nayon : PÁSTORÁL4
pas·tó·res
png |Tro |[ Esp pastor+es ]
:
sa Cebu at Leyte, maikling dula na nag-tatampok sa paglalakbay ng mga pastol at sa kanilang papuri sa Santo Niño.
pas·trá·mi
png |[ Esp ]
:
karneng báka na pinausukan at tinimplahan ng mga pampalasa.
pastry (péys·tri)
png |[ Ing ]
1:
arinang minasa sa mantika at ginagamit sa paggawâ ng pastel, empanada, at katulad
2:
hinurnong pagkain na gawâ mula rito
3:
alinmang matamis at hinurnong pagkain.
pastry bag (péys·tri bag)
png |[ Ing ]
:
hugis konong kasangkapan na gina-gamit sa pagdedekorasyon ng icing at iba pang malapot na likido.
past tense (past tens)
png |Gra |[ Ing ]
:
panahunang pangnagdaan.
pas·tú·lan
png |[ pastol+an ]
:
damuhang ginagamit pangainan ng mga alagang hayop.