patuk
pa·tu·kâ
png
1:
butil na pagkain ng manok, itik, at katulad : TUBÓNG1
2:
kung sa problema, maliit lang ; kung sa presyo, mura lang.
pá·tu·kà·an
png |[ pa+tukâ+an ]
1:
sisidlan ng patukâ
2:
panahon ng pagpapakain ng mga alagang manok
3:
sa sabong, pagpapatuka ng mga pansabong sa isa’t isa para magalit.
pa·tú·kad
png |Bot |[ Ilk ]
:
bahagi o ugat ng haláman, tulad ng singkamas o ube, na iniiwan sa lupa upang mag-bunga pa.
pa·tuk·bâ
png |Psd |[ Kap Tag ]
:
uri ng páin na may simà para sa paghuli ng isda at palaka.
pa·tu·kú·ran
png |Kar |[ ST pa+túkod+ an ]
:
biga ng sahig ng bahay.