pere
pe·reg·rí·na
png |Bot |[ Esp peregrina ]
:
palumpong (Jatropha integerrima ) na 3 m ang taas, biluhabâ at hugis biyolin ang mga dahon, at may bu-laklak na pulá, katutubò sa tropikong America at ipinasok sa Filipinas pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
pe·rég·ri·nas·yón
png |[ Esp peregri-nacion ]
:
paglalakbay, karaniwang sa banal na pook : PEREGRINATION,
PILGRIMAGE
peregrine (pé·ri·grín)
png |Zoo |[ Ing ]
:
halkon (Falco peregrinus ) na kara-niwang naninirahan sa baybayin.
pe·re·híl
png |Bot |[ Esp peregil ]
:
yerba na kulot ang mga dahong ginagamit na pampalasa sa sabaw o ulam : PARSLEY
perennial (pe·rín·yal)
pnr |[ Ing ]
1:
tumatagal nang kung ilang taon
2:
sa ilog, hindi natutuyuan.
perestroika (pé·res·tróy·ka)
png |[ Rus ]
:
sa dáting USSR, ang patakaran ng muling pagtatayo at pagbubuo ng sis-temang pang-ekonomiya at pampo-litika.