piko


pi·kô

png
1:
[Bik Kap Tag War] uri ng laro na may tinitisod na bató ang manlalaro na kumakandirit sa loob ng mga iginuhit na bahagi ng isang bahay : KITKÍT, HOPSCOTCH
2:
[ST] salitâng Bisaya, pagbaluktot o pagtupi sa anumang malapad o mahaba.

pí·ko

png
1:
Bot uri ng mangga na katamtaman ang lakí at hindi gaa-nong maasim kung hilaw
2:
[Esp pico] kasangkapang pambungkal na may ulong bakal na matulis ang isang dulo at malapad ang kabila : BINGKONG, PICK1 Cf ASARÓL — pnd mag·pí·ko, pi·kú·hin.

pí·kol

png
:
timbang na naglalaro mula sa 132–140 libra.

pí·ko·ló

png
1:
Mus [Esp piccolo] maliit na plawtang isang oktaba ang taas ng tunog kaysa karaniwang plawta : PLAWTIN
2:
uri ng maliit na paputok.

pi·kón

pnr |[ Esp picon ]
:
madalîng magálit o madalîng pagalítin : KABLÍ-TON, MARÁNGIT, NAUNGÉT

pí·kon

png |[ Esp picon ]
:
pagkubkob upang hulihin ang mga kaaway, takas, at iba pa : PÍKOT1 — pnd i·pí·kon, pi·kú·nin, pu·mí·kon.

pí·kot

png |[ Tsi ]
2:
pamimilit sa isang tao na gumawâ ng isang bagay na mahirap takasan, gaya ng pagpapakasal — pnd ma·mí·kot, pi·kú·tin, pu·mí·kot.

pi·kóy

png
1:
Zoo [Seb Hil Tag] loro1
2:
Kol [Seb] úten.