quarter
quarter (kwár·ter)
png |[ Ing ]
1:
panahon na katumbas ng tatlong buwan ; sangkapat na bahagi ng isang taon Cf QTR
2:
sangkapat na bahagi ng isang oras ; labinlimang minuto bago o matapos ang anumang oras Cf QTR
3:
Isp isa sa apat na magkasintagal na yugto ng laro Cf QTR
4:
posisyon ng buwan sa pagitan ng bagong buwan at kabilugan Cf QTR
5:
isa sa apat na bahagi ng isang taóng akademiko Cf QTR
7:
alinman sa mga direksiyon ng kómpas Cf QTR
quarterage (kwár·te·reydz)
png |[ Ing ]
1:
pagpapatulóy sa mga tropa sa isang pansamantalang tirahan ; o ang halaga ng nasabing akomodasyon
2:
pansamantalang silungan o tirahan
3:
pagbabayad tuwing sangkapat ng taon.
quarterback (kwár·ter·bák)
png |Isp |[ Ing ]
1:
sa larong futbol, ang manlalaro sa likod ng nakahanay na mga manlalaro at nangunguna sa pagsulong ng pangkat
2:
posisyon ng manlalaro sa likod.
quarter bend (kwár·ter bend)
png |[ Ing ]
:
anumang may baluktot na 90°.
quarter blanket (kwár·ter bláng·ket)
png |[ Ing ]
:
kumot na inilalagay sa ilalim ng siya o guwarnasyon ng kabayo.
quarterfinal (kwár·ter fáy·nal)
png |[ Ing ]
:
paligsahan bago ang semifinal.
quarter horse (kwár·ter hors)
png |Zoo |[ Ing ]
:
isa sa mga uri ng kabayong inaalagaan sa Estados Unidos para sa malapitang karera.
quartermaster (kwár·ter·más·ter)
png |Mil |[ Ing ]
:
opisyal na namamahala sa mga tirahan at sa pagtatalaga ng silid ng mga sundalo.
quarter note (kwár·ter nowt)
png |Mus |[ Ing ]
:
nota na katumbas ng sangkapat ng buong nota.