reaksiyon


re·ak·si·yón

png |[ Esp reacción ]
1:
pagkilos túngo sa salungat na direksiyon : REACTION
2:
pagkilos túngo sa konserbatismo sa politika : REACTION
3:
tugon sa isang impluwensiya, pangyayari, at katulad : REACTION
4:
tugon na damdamin : REACTION
5:
Med tugon ng katawan sa isang stimuli : REACTION
6:
Kem inter-aksiyon ng mga substance na dumadaan sa pagbabagong kemikal : REACTION

re·ak·si·yo·nár·yo

png |[ Esp reaccionario ]
1:
tao na may tendensiyang sumalungat sa pagbabago at magtaguyod ng pagbabalik sa dáting sistema : REACTIONARY
2:
Pol anumang laban sa progreso o lumalabag sa batas ng pagsulong ng kasaysayan : REACTIONARY