reperi


ré·pe·rí

png |[ Ing referee ]
1:
Isp sa ilang laro, hurado na may tungkuling itinatakda ng alituntunin ng isang laro ; o tagapangasiwa ng laban, lalo na sa futbol o boksing Cf UMPIRE2
2:
tao na handang patotohanan ang karakter o katangian ng aplikante
3:
Bat tao na pinili ng hukuman na kumuha ng patotoo o testimonya sa isang kaso at ibalik ito sa hukuman nang may rekomendasyon hinggil sa hatol o desisyon
4:
tao na nangunguna sa isang púlong at piniling magpasiya hinggil sa pagtatalo