republika
re·pub·li·ká
png |Pol |[ Esp republica ]
1:
estado na ang mga mamamayan ang may hawak ng kapangyarihan at may karapatang bumoto at pumili ng kanilang mga kinatawan : REPUBLIC
2:
anumang pangkat ng mga táong itinuturing na komonwelt : REPUBLIC
3:
estado, lalo na ang demokratikong estado, na inihahalal ang pangulo ng pamahalaan : REPUBLIC
Re·púb·li·káng Ma·ló·los
png |Kas |[ Republika+ng Malolos ]
:
unang republikang itinatag sa Filipinas at sa buong Asia noong 23 Enero 1899 at pinamunuan ni Emilio Aguinaldo.
re·pub·li·ká·no
pnr |[ Esp republicano ]
1:
hinggil sa mga katangian ng isang republika : REPUBLICAN
2:
pumapanig sa republika : REPUBLICAN
3:
angkop o nararapat sa mamamayan ng republika : REPUBLICAN
4:
sa malakíng titik, tao na tagatangkilik ng Partido Republikano : REPUBLICAN