rod
rod (rad)
png |[ Ing ]
2:
Psd bingwít
3:
Bot
payat, tuwid, at bilog na usbong o sanga ng halámang makahoy
4:
Ana
isa sa mga tíla bárang cell sa retina ng matá na sensitibo sa mababàng intensidad ng liwanag
5:
patpat na ginagamit na pansukat
6:
yunit na pansúkat ng linya ; katumbas ng 5 yarda o 16 talampakan
7:
wand, baton, o katulad na simbolo ng opisina, kapangyarihan, o awtoridad
9:
makitid na bára na ginagamit sa sampayan ng tuwalya o kortina
10:
sa bakteryolohiya, mikroorganismong hugis bára.
rodent
png |Zoo |[ Ing ]
:
mammal na mahilig ngumatngat at kinabibilangan ng mga dagâ, kuneho, hamster, iskuwirel, at katulad.
rodeo (ró·di·yó)
png |[ Ing ]
1:
publikong pagtatanghal ng kakayahan ng koboy, gaya ng pangangabayo, pagsilo, at katulad
2:
pagtitipon ng mga báka sa rantso.