rosin


rosin (ró·sin)

png |Kem |[ Ing ]
:
manilaw-nilaw, matigas, malutong, at buhaghag na resin na natitirá pagkaraan ng distilasyon ng agwaras na mula sa punò ng pino, karaniwang ginagamit na panghalo sa pintura, pamahid sa panghilis ng instrumentong may bag-ting tulad ng biyolin, at sa paggawâ ng barnis.