sagsag
sag·ság
pnr
1:
lumulundô sanhi ng hindi normal na bigat, lambot, o kawalan ng lamán
2:
bumababâ gaya ng pang-itaas na butò
3:
hindi tuluyang napútol nang pahabâ.
sag·ság
pnd |sag·sa·gín, su·mag·ság
1:
lumakad nang nagmamadali
2:
[Kap]
magbakbak o bakbakin
3:
[Ilk]
sirain sa pamamagitan ng pagpalò at pagbugbog
4:
[Iva]
magtadtad o tadtarin
5:
[Hil]
pagtapatán.
ság·sag
png |[ ST ]
1:
paghati ng isang bagay mula sa itaas patungo sa ibabâ
2:
pagbiyak ng kawayan nang pahabâ at napakanipis
3:
paglubog ng isang bagay na matulis
4:
lakas o dami ng isang bagay, mula dito ang kasagsagán
5:
[Seb]
patpát1