salmo
sal·món
pnr |[ Esp ]
:
kulay na mapusyaw na pulá o manilaw-nilaw.
sal·món
png |[ Esp ]
:
Zoo
isdang-alat (Salmo solan ) na kulay pink ang lamán at karaniwang ginagawâng de-latang isda.
salmonella (sal·mo·né·la)
png |Med |[ Ing ]
1:
anuman sa genus ng bakterya (family Enterobacteriaceae )) na nagdudulot ng lason sa pagkain
2:
pagkalason dahil sa pagkaing may salmonella.