sampal
sám·pal
png
:
paghati sa tao mulang ulo hanggang paa sa pamamagitan ng espada.
sam·pa·la·tá·ya
pnr
:
may pananampalataya.
sam·pá·lok
png |Bot |[ Bik Hil Kap Seb Tag War ]
:
malaking punongkahoy (Tamarindus indica ) na may maliliit na dahong nakahilera sa magkabilâng gilid ng tangkay, may bulaklak na mapusyaw na dilaw at mga guhit na pink, at may bunga na biluhabâ, makapal ang balát, at may lamáng nakabálot sa butó na maasim ngunit kinakain, nakakain din ang bulaklak at ang dahon kapag murà, katutubo sa tropikong Africa at maaaring ipinasok sa Filipinas noon pang panahon bago dumating ang mga Español : ÁSAM,
SALAMÁGI,
SALMÁGI,
SALOMÁGI,
SÁMBAG,
SÁMBAK,
SAMBALÁGI,
TÁMARÍND,
TAMARÍNDO