sangga
sang·gá
png
1:
[Bik Hil Ilk Iva Kap Pan Tag War]
anumang nakapangangalaga o nakasasagka ng sirà o sakít kung matamaan : ÍBAG2
2:
[Hil Ilk Kap Pan Seb Tag War]
pagsasáma bílang isang pangkat o koponan.
sang·ga·láng
png |[ Kap Tag ]
:
kilos o paraan upang maging ligtas sa kapahamakan o pinsala ang isang bagay, tao, haláman, alagang hayop, at iba pa : PROTEKSIYÓN1
sang·ga·la·wád
png |[ sang+galawád ]
:
dami ng dalahin na kaya ng bisig at dibdib.
sang·ga·la·yâ
png |[ ST ]
1:
pagsasabi ng damdamin o samâ-ng-loob
2:
pagiging laging nakatawa at masaya ang mukha.
sáng·ga·nó
png |[ Esp zangano ]
1:
2:
tao na bulakbol
3:
tao na walang gálang o bastos.
sang·ga·nú·man
png |[ isa+na+gaano +man ]
:
anumang halaga o kantidad.
sang·gáw
png |[ Ilk ]
:
pang-itaas na biga, mabigat, at nakapatong sa dalawang batangan ng habihan.
sang·ga·wa·lî
png
:
alahas na huwad.
sang·ga·yád
pnr
:
sumayad at hinila sa sahig, gaya ng sanggayad na lay-layan ng sáya.