sangi
sa·ngì
png |pag·sa·ngì
:
paghatì o pahihiwalay, gaya sa paghati ng sinusuklay na buhok.
sa·ngíg
png |Bot
:
yerba (Ocimum basilicum ) na maraming sanga, 30-60 sm ang taas, may dahong medyo mabalahibo, at sungki-sungking gilid, may mga bulaklak na putî at lila na nakakabit sa isang mahabàng tangkay, katutubò sa Filipinas at tropikong Asia at Africa, ginagamit ang mabangong bulaklak bílang sangkap sa pagkain at medisina : ALBAHÁKA,
BALÁNOY2,
BASIL2,
LUKTUKÓNG,
SULÁSI1
sa·ngí·lo
png |Bot |[ ST ]
:
isang uri ng buyo.
sa·ngít
png |[ ST ]
1:
panahon kung kailan umiihip ang mainit na hangin
2:
tao na mainit ang ulo at masakít magsalita
3:
pagkapit upang hindi mahulog.
sang-ít
png
:
pagkasabit sa sanga ng isang bagay na nahuhulog.