santol
san·tól
png |Bot
:
punongkahoy (Sandoricum koetjape ) na umaabot sa 20 m ang taas, may dahong mahabà ang tangkay, may mga bulaklak na lungtiang dilaw, at may bungang bilóg na dilaw ang kulay ng balát, hanggang 6 sm ang diyametro, may malalakíng butó na nababálot ng malambot at nakakaing lamán, ginagamit ding pampaasim ang bunga, kumalat mula sa India hanggang Malaya at pumasok sa Filipinas bago dumatíng ang mga Español : HANTÓL,
PANTÓL,
SÁNDOR
san·to·lí·na
png |Bot |[ Ing ]
:
palumpong (genus Santolina ) na aromatiko, maliit, at karaniwang dilaw ang bulaklak.