sayo


sa·yó

pnr pnb |[ Seb ]

sa·yód

png |Psd |[ Pan ]
:
maliit na uri ng lambat.

sa·yód

pnr

sá·yod

pnd |i·pa·sá·yod, mag·pa·sá·yod |[ Bik Hil Seb ]
:
magpabatid o ipabatid.

sá·yog

pnr
:
náhulí ang isang hindi handâ, gaya ng guro na nahúli ng mga disipulo na hindi handa sa pag-tuturo.

sá·yok

png
:
isang alahas na gawa sa gintong pinong-pino.

sa·yó·mok

png
:
paghahanda ng katawan sa isang bagay.

Sa·yo·ná·ra!

pdd |[ Jap ]

sa·yó·ngot

png |Bot
:
isang uri ng masamâng palay.

sá·yop

png
:
anumang uri ng pulà o kapangitan.

sa·yó·pang

png
:
saklay na yari sa kawayan.

sá·yor

png
1:
pagtipon sa lahat para sa isang gawain
2:
pag-aaral upang matutuhan sa sarili ang isang gawain.

sa·yó·te

png |Bot |[ Mex chaiote ]
:
baging (Sechium edule ) na may bungang lungtian, hugis peras, at nakakain : CHAYOTE var tsayóte