sedan
se·dán
png |[ Ing sedan chair ]
1:
upuan sa loob ng isang tíla kahon na kinakabitan ng pahalang na mga baras at ginagamit sa pagbuhat ng isang tao
2:
kotse para sa apat o higit pang katao Cf ORÍMON
sé·dang-dá·hon
png |Bot |[ Esp seda+Tag na+dahon ]
1:
baging (Argyreia nervosa ) na tumataas nang 15 m : OHAS-DE-SÉDA
2:
uri ng yerba (Aglaonema commutatum ) na marisoma, may mga dahong 20 sm ang habà at 6 sm ang lapad, medyo lungtian ang ibabaw na may mga bátik na abuhin.