seven
seven deadly sins (sé·ven ded·lí sins)
png |[ Ing ]
:
siyéte pekados.
seven seas (sé·ven sis)
png |[ Ing ]
:
ang karagatan ng mundo na binubuo ng Karagatang Arctico, Antartico, Hilagang Pacifico, Timog Pacifico, Hilagang Atlantico, Timog Atlantico, at Karagatang Indian.
Seventh Day Adventist (sé·vent dey ad·vén·tist)
png |[ Ing ]
:
kasapi ng isang sekta ng mga Adventist na umasang magaganap ang Ikalawang Pagdating ni Kristo noong 1844 at patuloy na naniniwalang malapit na ang Kaniyang pagbabalik.
Seven Wonders of the World (sé·ven wán·ders of da world)
png |[ Ing ]
:
pitóng pinakadakilang estrukturang likha ng tao at unang binubuo ng (1) mga piramide ng Egypt ; (2) Nakabiting Halámanan ng Babylon ; (3) Mausoleo ng Halicarnassus ; (4) templo ni Artemis ; (5) Colossus sa Rhodes ; (6) estatwa ni Zeus sa Olympia ; at (7) Pharos ng Alexandria.
seven year itch (sé·ven yir íts)
png |[ Ing ]
:
pinaniniwalaang tendensiya ng pakikiapid pagkaraan ng pitóng taon ng búhay mag-asáwa.