shell
shell (syel)
png |[ Ing ]
1:
panlabas na takip, karaniwang matigas at makapal, ng mga hayop tulad ng mga isda at insekto hal balát ng itlog, talukab, takupis
2:
suma-sabog na bála na ginagamit sa mortar o sa malakíng baril
3:
hungkag na sisidlang metal o papel na nilalagyan ng paputok, bála, at iba pa
4:
mga dingding ng hindi pa yarî o natupok na gusali, barko, at iba pa
5:
Pis
pang-kat ng mga elektron na may halos magkakapantay na enerhiya sa isang atom.
shellac (sye·lák)
png |[ Ing ]
:
madagtang resin na manipis ang piraso, ginagamit sa paggawâ ng barnis.
shellfish (syél·fis)
png |Zoo |[ Ing ]
1:
mollusk na may talukab at pantubig, hal tahong, tulya
2:
crustacean, hal alimango, sugpo.
shell shock (syél syak)
png |Med Sik |[ Ing ]
:
matinding bagabag sanhi ng pagdanas ng madugong labanán o digmaan.