shin
shine (syayn)
pnd |[ Ing ]
1:
maglabas o tumanggap ng sinag
2:
lumiwanag ; luminaw
3:
pailawin, gaya ng lampara
4:
pakintabin, gaya ng sapatos
5:
manaig o mangibabaw, gaya sa usapan.
shingle (syíng·gel)
png |[ Ing ]
1:
parihabâng tisa na kahoy, ginagamit sa bubong o pader
2:
paggupit ng buhok ; o ginupit na buhok.
shinkansen (syin·kán·sen)
png |[ Jap ]
:
moderno at mabilis na tren.
Shinto (syín·to)
png |[ Jap ]
:
sinaunang relihiyon na gumagálang sa mga ninuno at espiritu ng kaligiran at itinatampok ang ritwal at ang mga pamantayan ng asal.