sibak


si·bák

png |[ Ilk Kap Tag Tsi ]
1:
pagtagâ o pagpira-piraso sa kahoy sa pama-magitan ng palakol : BUGHÀ
2:
Kol pagtanggal o pagkatanggal sa trabaho — pnd i·pa·si·bák, mag·si·bák, si·ba· kín, su·mi·bák.

si·ba·kóng

png |Bot |[ Tsi ]
1:
punong-kahoy (Rauwolfia amsoniaefolia ) na tumataas nang 15 m, may katas na malagatas, at may bulaklak na putî at mabango
2:
[Seb War] pagsasaing ng magkahalong bigas at mais, kung minsan ay hinahaluan ng hiniwang kamote at saging : SINÁKSAK