sigbin


sig·bín

png |Mit |[ Hil Seb ]
:
mitikong nilaláng na sinasabing lumalabas kung gabi para sipsipin ang dugo ng mga biktima mula sa kanilang anino ; sinasabi ring lumalakad nang patalikod at ang ulo ay nakababa sa pagitan ng mga hità at may kakayahang magtabulag ; pinaniniwalaan din na ang makahuhuli nito ay magkakaroon ng magandang kapalaran.