sosyo
sós·yo
png |[ Esp socio ]
1:
pagsasanib ng dalawa o higit pang tao upang mamuhunan
2:
Kom
salaping isinapi sa anumang uri ng pamumuhunan Cf SHARE — pnd i·sós·yo,
mag·pa· sós·yo,
mag·sós·yo,
pa·sós·yu·hín,
su·mós·yo.
sos·yo·lo·hí·ya
png |[ Esp sociologia ]
:
pag-aaral ng pag-unlad, kultura, at funsiyon ng lipunan : SOCIOLOGY