sukab
su·káb
png
1:
panyo o anumang piraso ng tela na inilalagay sa likod upang sumipsip ng pawis
2:
[Pan]
kaning naiiwan sa pagitan ng kaldero at dahon ng saging na ipinansapin dito.
su·káb
pnr
1:
[Kap ST]
taksil
2:
[Bik Ilk Kap ST]
bahagyang bukás, tulad ng talukab ng talaba
3:
[ST]
nakayuko hábang dumaraan sa ilalim ng isang mababàng hadlang
4:
[ST]
dumating bago ang takdang oras.