tagak


ta·gák

png |Zoo
1:
ibon (Bubulcus ibis coromandus ) na putî, may mahabàng leeg, tuka, binti, at kuko at may mala-pad at malakas na bagwis, malimit makítang nakadapo sa likod ng kalabaw o báka : DULÁKAK, GÁBYA2, GÁRSA, HERON, HERÓN, KÁGANG5, LAGWÁK, TALÁBONG, TALÁUD Cf BAKÁW2, LÁPAY2
2:
pinakamalakí sa mga tagak na putî (Egreta alba ), matatagpuan sa mga tubigan at kumakain ng isda : EGRET

tá·gak

pnr |[ ST ]
:
mahulog ang isang bagay mula sa kamay.

ta·ga·kán

png |[ Hil ]
:
basket na sawali.

Ta·ga·ka·ó·lo

png |Ant
:
isa sa mga pangkating etniko ng mga Kalágan.

ta·ga·ka·ón

png |[ ST ]
:
táo na nagdadalá at kumukuha ng iba.

ta·gák-ta·gák

png
1:
[ST] pagtakbo o pagtakas nang hindi máláman kung saan pupunta dahil sa tákot

ta·gak·ták

png
1:
[ST] mga bagay na watak-watak
2:
[ST] paunti-unting paggawâ, gaya ng pagdidilig nang kaunti
3:
sunod-sunod na malakíng patak ng tubig o anumang likido.