tagay


tá·gay

png
1:
pagbati o pagpupugay na ipinahahayag bago lumagok o sumimsim ng alak : IMULAÁN, KAM-PÁY3, TIGSÍK1, TOAST2
2:
sabay-sabay na pagtataas ng baso sa isang inuman : KAMPÁY3, TOAST2
3:
paanyaya upang uminom
4:
ang alak na ginagamit sa gayong pag-inom
5:
pag-inom na gumagamit ng isang basong ipinapása sa lahat ng kalahok ; o súkat ng alak sa baso sa ganitong okasyon : SHOT4

ta·ga·yán

png |[ tágay+an ]
1:
pag-inom sa iisang baso
2:
pagdiriwang sa pamamagitan ng paghahandog ng tágay
3:
singgalong o katulad na ginagamit sa pagtatagay.

ta·gá·yan

png |[ tagay+an ]
:
paligsahan sa mga awit at sayaw.

ta·gay·táy

png |Heo
:
mahabà, makitid, at nakaangat na rabaw ng lupa ; o tanikala ng mga gulod : RIDGE2

ta·gay·táy

pnr |[ ST ]
1:
nahulog nang pira-piraso
2:
matikas at tuwid.

Ta·gay·táy

png |Heg
:
lungsod sa Cavite, at isang pook bakasyunan.