takaw


tá·kaw

png
1:
labis na pagnanasà sa isang bagay, lalo na sa pagkain
2:
pagiging sabik na saklawin, tamuhin, o gamitin, lalo na nang labis-labis o walang kabusugan : SIBÀ1 Cf SAKÍM

tá·kaw-bug·bóg

pnr |[ takaw+sa+ bugbóg ]
:
kinayayamutan dahil sa hindi kanais-nais na gawi.

tá·kaw-ma·tá

pnr |[ takaw+ng+mata ]
1:
madalîng matukso sa anumang makíta : TÁKAW-TINGÍN
2:
madalîng maakit na kunin ang isang bagay na hindi naman kailangan, gaya ng pagkaing hindi káyang ubusin : TÁKAW-TINGÍN

tá·kaw-ti·ngín

pnr |[ takaw+sa+ tingin ]

tá·kaw-tuk·só

pnr |[ takaw+sa+tukso ]
:
madalîng umakit ng pansin ng ibang tao.