talang
ta·lá·nga
png |[ ST ]
1:
sisidlan ng palaso
2:
nakasabit sa baywang na sisidlan ng espada.
ta·lá·ngaw
png |Bot
:
haláman (Foeniculum vulgare ) na dilaw ang bulaklak at may mabangong mabalahibong dahon na ginagamit sa mga sawsawan, salad dressing, at iba pa.
Ta·làng Ba·tú·gan
png |[ talà+na+ batúgan ]
:
katutubòng tawag sa Polaris1
ta·làng-bú·lo
png |Bot |[ ST ]
:
isang yerba na maraming tinik.
ta·láng·ga
png |Ark |[ Bik ]
:
baitang sa hagdanan.
ta·lang·kâ
png |Zoo
:
maliit na crustacean (Varuna litterata ), umaabot sa 5 sm ang lapad ng talukab na medyo sapad, kulay kayumanggi ang buong katawan, malimit na matatagpuang nakakapit sa lumulutang na kawayan, kahoy, o bao ng niyog, at karaniwang nakatirá sa mga bakawan, sapà, medyo maalat na palaisdaan, at kahit sa palayan : KALÁMPAY,
KAPPÍ,
KATÁNG,
PÁKOT,
SHORE CRAB Cf DAKÚMO
ta·lang·kág
png |[ ST ]
1:
pagtindig ng uten
2:
pagsibol nang tuloy-tuloy ng búko.
ta·lang·kâng-bú·kid
png |Zoo |[ talangkâ +ng búkid ]
:
uri ng talangkâ na mapintog at nahuhuli sa bukid.
ta·lang·kâng-pé·he
png |Zoo |[ talangkâ +na péje ]
:
uri ng talangkâ na kulay itim ang talukab.
ta·lang·kás
png
1:
Ntk
bangkang magaan na maaaring lumayag nang taliwas sa hangin, mabilis, at hindi nakapaglululan ng kargamento
2:
kagandahan ng anyo, kilos, o ekspresyon.
ta·lang·kíd
pnd |[ Ilk ]
:
maging salbahe o pilyo.
ta·lang·kúb
png |[ Ilk ]
:
pasamano ng bintana na may kawayang takip.
ta·la·ngò
png |Bot
:
uri ng damong ipinakakain sa mga hayop.