tambang


tam·báng

png
1:
[ST] ang patibong o ang tao na naghihintay sa hayop na papasok sa patibong : AMBUSH, SANÉB, TÁPOK2
2:
paghihintay para magsagawâ ng biglaang salakay : AMBUSH, SANÉB, TÁPOK2
3:
biglaang salakay : AMBUSH, SANÉB, TÁPOK2
4:
[Pan Tag] bantay na nag-aabang sa sinumang dumarating.

tam·ba·ngá·lan

png
:
labis na karga o lulan.

tam·bá·ngan

png |[ tambáng+an ]
1:
[ST] paglalagay ng harang na baras o paglalagay ng mga bató o kahoy sa ilog
2:
pook para sa pagtambang o pag-uumang ng patibong.