tango


tango (táng·go)

png |Mus Say |[ Esp Ing ]
1:
sayaw na pangmagkapareha, binubuo ng mabagal at sumasalimbay na mga galaw, at pabigla-bigla at mabilis na mga pagtigil
2:
ang musika para dito.

ta·ngô

png |pag·ta·ngô
1:
[Bik Hil Mrw ST] taas-babâ na paggalaw ng ulo bílang pahiwatig ng pagsang-ayon : DANGÔ, ITANGÉR, TAMÉD, TANGDÒ
2:
pag-ugoy o paggiwang ng katawan kapag nakasakay sa sasakyang-dagat o sa kabayo.

ta·ngód

png |Ana |[ Ifu ]
:
likod ng ulo.

ta·ngól

pnd |ma·pa·ta·ngól, ta·ngu· lín, tu·ma·ngól
:
gumiwang-giwang o sumuray-suray, gaya ng sasakyang mabuway.

ta·ngóng

png |[ ST ]

tá·ngong

png |Med |[ ST ]
:
pamumuo ng dugo.

ta·ngóng í·tik

png |[ tangô+ng itik ]
:
pangakong hindi natutupad.

ta·ngó·ngon

png |Bot |[ War ]
:
uri ng abaka, mahabà ang punò, at may matibay at putîng hibla.

ta·ngóp

png |[ War ]
:
dápithápon .

tá·ngos

png
1:
Heo piraso ng lupa na nakaungos sa isang lawas ng tubig : CAPE2, KÁBO3, KÁSTRO1, LAWÍS
2:
pisikal na kataasan, karaniwan ng ilong.

Tá·ngos Bu·é·na Es·pe·rán·za

png |Heg |[ Esp ]
:
tangos sa dulong ilalim ng Africa at lagúsan ng mga manlalakbay mula Europa patungong Asia o vice versa : CABO DE BUENA ESPERANZA, CAPE OF GOOD HOPE