tera
té·ra·kó·ta
png |[ Ita terra cotta ]
1:
matigas, nilutong luad, na kulay kayumangging pulá kapag hindi binarnisan ; karaniwang ginagamit sa pang-arkitekturang palamuti, pagpapalayok, at bílang sangkap sa paglililok
2:
anumang gawâ dito
3:
kayumangging dalandang kulay, gaya sa hindi barnisadong terakota.
te·ra·pe·ú·ti·ká
png |[ Esp terapeutica ]
:
sangay ng medisina, kaugnay ng panggagamot sa sakít at paraan ng pagbibigay ng lunas : THERAPEUTICS
té·ra·pí·ya
png |Med |[ Esp terapia ]
1:
panggagamot sa pisikal at mental na suliranin at hindi gumagamit ng pagtistis : THERAPY
2:
partikular na tipo ng gayong panggagamot o sikoterapíya : THERAPY
te·rap·lén
png |[ Esp ]
:
dike, tambak, o katulad na pampigil sa tubig, o pansuporta sa matarik na gilid ng kalsada.
te·rá·sa
png |[ Esp terraza ]
1:
serye ng sapád na espasyong nabuo sa isang gulod at ginagamit sa pagtatanim : TERRACE