tongatong
to·ngá·tong
png |Mus |[ Kal ]
:
instrumentong bumbong ng kawayan na ipinapalò sa sahig hábang pinapalò ng kanang kamay ang itaas na bahaging butás upang tumunog : TIBONGBÓNG,
TÚNGTUNG
tóng-a-tóng
png |Mus |[ Tin ]
:
instrumentong binubuo ng anim na túbo ng kawayang may iba’t ibang habà, bukás ang isang dulo, tatlong tao ang humahawak, at ibinubunggo ang dulo nitóng nakasará sa isang sapád na bató.