topo
topographical (to·po·grá·fi·kál)
pnr |[ Ing ]
:
hinggil sa topograpíya.
to·po·gra·pí·ya
png |[ Esp topografía ]
1:
detalyadong paglalarawan o pagbabalangkas ng likás at artipisyal na katangian ng isang bayan, distrito, lokalidad : TOPOGRAPHY
2:
detalyadong paglalarawan, lalo na sa pamamagitan ng survey sa isang partikular na bayan, lungsod, estado, at iba pa : TOPOGRAPHY
to·pó·gra·pó
png |[ Esp topografo ]
1:
tao na may kaalaman sa topograpiya : TOPOGRAPHER
2:
tao na naglalarawan ng mga katangian sa rabaw ng isang pook o rehiyon : TOPOGRAPHER
tóp-ok
png |[ Igo ]
:
lalagyan ng pinatutuyông kahoy na nása itaas ng kalan o lutuan.
to·pó·lo·hí·ya
png |Mat |[ Esp ]
:
pag-aaral ng mga heometrikong katangian at ugnayan ng mga espasyong hindi naaapektuhan ng tuloy-tuloy na pagbabago ng hugis o súkat.
to·pó·ni·mí·ya
png |[ Esp ]
1:
pangalan ng pook
2:
pangalan ng pook na naglalarawan, karaniwan mula sa topograpikong katangian ng pook.
to·pó·ni·mó
png |[ Esp ]
1:
pag-aaral ng pangalan ng mga pook ng isang rehiyon
2:
Ana
nomengklatura ng mga rehiyon ng katawan.