trade
trademark (tréyd·mark)
png |[ Ing ]
1:
kasangkapan, salita, o kombinasyon ng mga salita na isineguro ng isang kompanya sa pamamagitan ng legal na pagpapatalâ o pinatatag ng matagal na paggamit nitó at kumakatawan sa kompanya : TATÁK3
2:
namumukod na katangian, at iba pa.
trade union (treyd yún·yon)
png |[ Ing ]
:
organisadong asosasyon ng mga manggagawa sa isang negosyo, kalakalan, o isang propesyon ; nabuo upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga mang-gagawà.
trade wind (treyd wind)
png |Mtr |[ Ing ]
:
halos hindi pabago-bagong hangin sa silangan na dumadaan sa mga tropiko at semitropikong bansa sa buong mundo, pangunahing mula sa hilagang silangan sa Hilagang Hemisphere, at mula sa timog silangan sa Timog Hemisphere.