tradisyon


tra·dis·yón

png |[ Esp tradicion ]
1:
pagsasalin ng mga kaugalian, paniniwala, at iba pa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon : TRADITION
2:
matagal nang naitatag na kaugaliang may bisà ng hindi nakasulat na batas : TRADITION

tra·dis·yo·nál

pnr |[ Esp tradicional ]
:
ukol sa, batay sa, o nakamit sa pamamagitan ng tradisyon : TRADITIONAL

tra·dis·yo·na·lís·mo

png |[ Esp tradicionalismo ]
1:
pagsunod sa tradisyon, lalo na hinggil sa relihiyon : TRADITIONALISM
2:
sistema ng pilosopiya hinggil sa katotohanan o kaalamáng panrelihiyon na mula sa banal na rebelasyon at tradisyon : TRADITIONALISM

tra·dis·yo·na·lís·ta

png |[ Esp tradicionalista ]
:
tao na naniniwala sa tradisyon.

tra·dis·yo·nál na po·lí·ti·kó

png pnr |[ Esp tradicional+Tag na+Esp politico ]

tra·dis·yo·nís·ta

png |[ Esp tradicionista ]
:
tao na sumusunod o nagtataguyod sa tradisyon, lalo na ang nauukol sa relihiyon.