tren
tren
png |[ Ing train ]
1:
hilera ng mga magkakadugtong na sasakyan sa riles na hinihila o itinutulak ng isang mákiná
2:
anumang katulad na hilera.
trench (trents)
png |[ Ing ]
1:
mahabà, makipot, at malalim na hukay o kanal
2:
Mil
hukay na ginagawâng kublihan ng mga sundalo.
trench coat (trénts kowt)
png |[ Ing ]
:
tíla kapoteng kasuotan ng sundalo na may padding at hindi tinatagusan ng tubig.
trendsetter (trend·sé·ter)
png |[ Ing ]
:
tao na pasimuno sa nauusong moda ng kasuotan.
trendy (trén·di)
pnr |[ Ing ]
:
sunod sa uso.
Trent, Kon·sé·ho ng
png |[ Ita trent Esp consejo ]
:
konsehong ekumeniko ng simbahang Katolika na ginanap noong 1545–1563 sa Trent, hilagang Italy na may layuning tugunan ang hámon ng kilusang Repormasyon na pinamumunuan ni Martin Luther sa Germany.